1st SMCFI Grand Alumni Homecoming and Sportfest

Panawagan sa lahat ng Simbayanan Foundation Alumni! Dumating na ang pinakahihintay na pagkakataon! Inaanyayahan namin kayo sa 1st SMCFI Grand Alumni Homecoming ngayong ika 11 ng Hulyo 2026. Ito ay pagtitipon upang muling makasama ang dating mga kaibigan, makilala ang kapwa iskolar mula sa iba't ibang batch, at ipagdiwang ang Foundation na naging bahagi ng ating paglalakbay. Higit pa sa reunion, ito ay panawagan din upang magbalik handog. Sa pamamagitan ng mentorship, networking, donasyon, o pakikilahok sa mga anniversary campaign, makatutulong tayo sa susunod na henerasyon ng mga iskolar na maabot ang kanilang mga pangarap. Umuwi. Makipag ugnayan. Magdiwang. Magbalik handog. 📌 Details: 📅 Date: July 11, 2026 📍 Venue: 4th floor SMMPC Building, Taguig City