35th Anniversary Souvenir Program

Maging bahagi ng 35 taong kuwento ng Simbayanan Foundation! Bilang pagdiriwang ng ika 35 anibersaryo ng Simbayanan Foundation, ilalathala ang espesyal na 35th Anniversary Souvenir Program na magtatampok sa paglalakbay ng Foundation, mahahalagang tagumpay, mga iskolar, alumni, katuwang, at tagasuporta. Inaanyayahan namin ang mga kumpanya, organisasyon, pamilya, alumni, at kaibigan na suportahan ang makabuluhang lathalaing ito sa pamamagitan ng pagbati, advertisement, o logo placement. Ang inyong sponsorship ay makatutulong sa mga sumusunod na pangangailangan ng ating mga college scholars: 🎓 Tuition assistance & Books 👕 School uniforms 🚌 Transportation allowance 🌟 Leadership formation initiatives 💎 Tax Deductible Advantage: Bilang isang PCNC accredited NGO, ang lahat ng inyong sponsorship at donasyon ay ganap na tax deductible . Ang Simbayanan Foundation ay magbibigay ng opisyal na Certificate of Donation para sa inyong accounting at tax filings. Makipagdiwang sa amin. Suportahan ang edukasyon. Maging bahagi ng 35 taong pamana ng Simbayanan Foundation. 📌 Event Details: 📅 Launch Date: September 12, 2026 📍 Gala Venue: TLC Dome, Taguig City