35th Anniversary Dinner for a Cause
Isang gabi ng pasasalamat, pag asa, at makabuluhang layunin. Sa loob ng mahigit tatlong dekada , ang Simbayanan Foundation ay naging katuwang ng mga kabataang kapos sa buhay ngunit nagsusumikap na makapagtapos ng kolehiyo at maging lingkod lider ng komunidad. Ngayong Setyembre 2026 , sa pagdiriwang ng ika 35 taon ng Simbayanan Foundation, inaanyayahan namin kayo sa 35th Anniversary Dinner for a Cause , isang gabi ng pasasalamat at fundraising gala para sa Simbayanan ni Maria Scholarship Program . Tampok sa gabing ito ang mga kwento ng ating mga iskolar, pagkilala sa mga katuwang at donor, at pagkakataong makibahagi sa patuloy na misyon ng Foundation. Ang inyong pagdalo ay maaaring magbukas ng pinto ng pag asa para sa susunod na henerasyon ng mga iskolar. 📌 Gala Event Details: 📅 Date: September 12, 2026 📍 Venue: Lakeshore Hall, Taguig City ✨ Highlights: Scholar Stories, Donor Recognition, Live Fundraising, and Fellowship Dinner.